|
Ang sabi ng iba, hindi marunong mag-tipid ang mga Pilipino. Ganito kasi ang formula na nalalaman ng karamihan sa atin INCOME - EXPENSES = SAVINGS Karaniwan, pag tanggap ng sahod ay napupunta na agad ito sa mga gastusin. At kung anuman ang matira ito na lang ang maitatabi, kung minsan ay wala pa. Sa pagkakataong ito maaring konti na lang ang matitipid mo o wala na ngang matitira. Bakit hindi subukan ang ganitong formula : INCOME - SAVINGS = EXPENSES Dapat laging isa-isip na 'savings is a basic need' . Ang formula na ito ay nagsasabi na sa oras na tanggapin mo ang iyong sahod ay dapat ng itabi agad ang portion ng iyong pera para sa iyong savings. At ang matitirang pera ay para naman sa iyong gastusin. Sa una siguro ay mahirap gawin ito dahil mas nasanay ang mga Pilipino na gumastos muna bago magtipid. Sa una ay subukan muna na magtabi ng maliit na halaga hanggang sa paunti-unti ay lakihan na ang amount ng perang iyong itatabi. Mas mainam kung kakayanin na sa umpisa pa lang ay may naitatabi ka ng malaking halaga. Ang pagtitipid naman ay para sa iyo rin at iyong pamilya, na sa oras ng pangangailangan ikaw ay may pagkukunan. Nais nyo bang subukan ang formula na ito. Para kayo ay tulungan sa pagtitipid mage-mail sa
This e-mail address is being protected from spam bots, you need JavaScript enabled to view it
. Now na! |